Kiamba, Sarangani niyanig ng magnitude 3.4 na lindol
By Angellic Jordan November 27, 2019 - 07:23 PM
Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Sarangani, Miyerkules ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 7 kilometers Southeast ng Kiamba bandang 6:16 ng gabi.
May lalim ang lindol na 20 kilometers at tectonic ang dahilan.
Naitala naman ang mga sumusunod na intensity matapos ang pagyanig:
Intensity 3:
– General Santos, South Cotabato
Intensity 1:
– Kiamba, Sarangani
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.