Bagyong “Kammuri,” lumakas pa at isa nang severe tropical storm

By Angellic Jordan November 27, 2019 - 06:55 PM

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Lumakas pa ang binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na isa nang ganap na severe tropical storm ang Bagyong “Kammuri.”

Huli itong namataan sa layong 1,645 kilometers sa Silangang bahagi ng Visayas.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Base sa monitoring sa sama ng panahon, posible itong pumasok sa loob ng bansa sa araw ng Linggo, December 1.

Oras na pumasok sa bansa, sinabi ni Estaraje na mayroong dalawang posibleng sitwasyon na mangyari sa bagyo.

Una, posible aniyang makakaapekto ang bagyo sa bahagi ng Central at Southern Luzon kabilang ang Metro Manila at mga lugar na pagdarausan ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Pangalawa, tatahakin nito ang Northern at Central Luzon ngunit hindi naman tatama sa kalupaan.

Samantala, sa ngayon, sinabi ng PAGASA na northeast monsoon o amihan pa rin ang nakakaapekto sa Northern Luzon.

TAGS: Bagyong Kammuri, Pagasa, sea games, Severe tropical storm, Bagyong Kammuri, Pagasa, sea games, Severe tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.