Rep. Velasco, tiwalang susunod sa usapang lalaki si Speaker Cayetano
Iginiit ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na malinaw ang kanilang usapang lalaki ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa term-sharing sa Speakership.
Dahil sinabi ni Velasco na tiwala siya na makakaupo siya bilang House Speaker matapos ang 15 buwang termino ni Cayetano.
Gayunman, nasa desisyon pa rin aniya ng mga kongresista kung iluluklok siya para ituloy ang nalalabing 21 buwang termino bilang Speaker.
Hindi naman matiyak ng kongresista kung makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte o si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kapag hindi nangyari ang term-sharing.
Nauna nang lumutang na maaaring hindi na matuloy ang term sharing dahil sa mataas na trust at approval ratings ni Cayetano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.