Private organizations, posibleng hindi na pahawakin sa susunod na international events

By Chona Yu November 27, 2019 - 06:52 PM

Maaring hindi na payagan ng Palasyo ng Malakanyang na humawak ang mga pribadong organisasyon sa mga susunod na international events na gaganapin sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magkaberya ang pag-organisa ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may natutunan nang leksyon ang pamahalaan ngayon kung kaya malabo nang umeksea ang pribadong sector.

“Iiwasan na to let private entities organize? Eh siguro we learn from mistakes. If it shows na malabo pag private ang naghawak eh hindi na tayo siguro gagawin yun sa susunod na mga panahon,” pahayag ni Panelo.

Bukod sa SEA Games, isa rin ang Pilipinas sa tatlong bansa na magho-host sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Magsisilbi ring host sa FIBA World Cup ang Indonesia at Japan.

TAGS: 30th SEA Games, PHISGOC, SEA Games 2019, Sec. Salvador Panelo, 30th SEA Games, PHISGOC, SEA Games 2019, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.