Magandang balita para sa mga naghahanap ng tsansa na magkaroon ng P1 milyon, condo o house and lot.
Ito ay dahil sa nag-aalok ang Board of Treasury ng “Premyo Bonds.”
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Development Bank of the Philippines (DBP) senior manager Jose Angelo Abad na sa halagang P500, maaari nang mag-invest ang isang indbidwal at magkakaroon ng isang entry sa raffle ng programang “Premyo Bonds.”
Ang DBP ay kasama sa limang selling agents ng “Premyo Bonds.”
Kabilang na rito ang Land Bank of the Philippines, Banco de Oro, China Bank at First Metro Investment Corporation na subsidiary ng Metrobank.
Bukod sa premyo na P1 milyon, condo o house and lot, magkakaroon pa ng kita na tatlong porsyento kada taon ang inilagak na pera sa premyo bonds.
Inilunsad ang premyo bonds noong November 25 at tatagal ang programa ng hanggang December 30, 2019.
Ayon kay Abad, magsasagawa ng three raffle draws sa susunod na taon.
Sinabi naman ni Board of Treasury treasurer Rosalia de Leon na magandang regalo rin ang “Premyo Bonds” ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kung hindi man aniya ipangreregalo, mas maganda na sa premyo bonds na rin mag-save kaysa sa ordinaryong bangko dahil sa alok na mas mataas na interest rate na tatlong porsyento kada taon.
Bukod sa major prizes, maari ring manalo ang 50 tao ng tig-P20,000 at 10 tao ng tig-P100,000 sa kada raffle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.