Kita ng 6 na LTO regional officers, lumampas sa “billion-peso mark” sa Oktubre
Nalampasan ang “billion-peso mark” sa revenue collection ng amin na Land Transportation Office (LTO) regional offices sa buwan ng Oktubre, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa kagawaran, ito ay kasunod ng pagsusulong ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante ng ‘technology-driven’ transactions sa ahensya.
Sa tulong ng gabay ni Transportation Secretary Arthur Tugade, natiyak ang mas sistematiko, maginhawa at mas mabilis na pag-proseso ng mga transaksyon sa ahensya.
Narito ang listahan ng mga LTO regional office na naabot ang “billion-peso mark”:
– National Capital Region East na may P3.06 bilyon
– National Capital Region West na may P2.7 bilyon
– Regional Office III na may P2.68 bilyon
– Regional Office IV-A na may P2.65 bilyon
– Regional Office VII na may P1.6 bilyon
– Regional Office VI na may P1.2 bilyon
Ayon pa sa DOTr, ang mataas na kita ng LTO regional office ay sumasalamin na epektibo ang ipinatutupad na kampanya sa ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.