51 sakay ng bangkang nagkaroon ng engine problem sa Masbate, nasagip ng PCG

By Angellic Jordan November 27, 2019 - 02:42 PM

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 43 pasahero at walong crew members ng bangkang nagkaroon ng engine problem sa Masbate, araw ng Miyerkules.

Batay sa ulat, nagmula ang bangka sa Masbate Fish Port patungong Claveria nang magkaroon ng problema sa makina sa karagatang sakop ng Baleno at Aroroy.

Agad nagsagawa ng troubleshooting ng makina ang mga crew member.

Sa kasagsagan nito, napansin ng isa sa mga crew member na humalo ang automotive oil sa tubig-dagat dahilan para magkaroon ng engine failure.

Tumulong naman ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa ikinasang Search and Rescue (SAR) operation ng PCG sa Aroroy.

Tiniyak naman ng PCG na nasa maayos na kondisyon ang lahat ng sakay ng bangka.

Dinala ang mga ito sa Aroroy Port sa Masbate para sa karagdagang tulong at imbestigasyon.

TAGS: aroroy, Aroroy Port, engine problem, engine trouble, Masbate, MDRRMC, PCG, aroroy, Aroroy Port, engine problem, engine trouble, Masbate, MDRRMC, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.