Konstruksyon ng Malalag Port, 100 porsyento nang kumpleto

By Angellic Jordan November 27, 2019 - 02:20 PM

Tapos ang ang konstruksyon ng Malalag Port sa Davao del Sur, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, 100 porsyento nang kumpleto ang konstruksyon ng nasabing pantalan.

Dahil dito, maaari nang magamit ng mga Davaoeño ang itinuturing na ikatlo sa mga pangunahing ‘international maritime gateway’ sa bansa.

Tiniyak ng DOTr na sumailalim ang pantalan sa komprehensibong rehabilitasyon.

Kabilang sa mga inayos sa pantalan ang konstruksyon ng RC wharf, access trestle at back-up area. Inayos na rin ang lighting system nito.

Sinabi pa ng kagawaran na inaasahang makatutulong ang rehabilitasyon ng paliparan sa paglago ng ekonomiya sa lalawigan.

Ilan sa mga pangunahing cargo na idinadaan sa Malalag Port ang steel products, mga sasakyan, heavy equipment at asukal.

TAGS: Davao del Sur, dotr, Malalag Port, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao del Sur, dotr, Malalag Port, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.