P2P buses pinayagang magsakay ng mga dadalo sa opening ng SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2019 - 12:12 PM

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsakay ang mga P2P bus ng mga dadalo sa opening ng SEA Games sa November 30 sa Philippine Arena.

Ayon sa pamunuan ng SEA Games 2019, pinayagan din ng LTFRB ang mga ruta para sa mga P2P bus kung saan sila magsasakay ng mga pasaherong patungong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Narito ang bilang mga bus na bibiyahe sa bawat ruta:

50 buses
– Vertis North to Philippine Arena

2 buses
– Trinoma to Philippine Arena

2 buses
– Ayala Cloverleaf to Philippine Arena

2 buses
– SM Mall of Asia to Philippine Arena

4 buses
– SM Subic to Philippine Arena

Layon nitong maging hassle-free ang biyahe ng mga nagnanais na masaksihan ang pagbubuaks ng SEA Games.

Ang P2P buses ay bukod pa sa libreng shuttle service na maghahatid sa mga pasahero mula SM City Clark Transportation Hub patungo sa iba pang competition venues sa Clark Cluster at pabalik.

TAGS: 2019 SEA Games, ltfrb, P2P buses, PH news, Philippine Arena, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, 2019 SEA Games, ltfrb, P2P buses, PH news, Philippine Arena, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.