Dalawa sugatan sa pamamaril sa eskwelahan sa Vancouver, Washington

Dalawa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa parking ng isang elementary school sa Vancouver, Washington.

Ang lalaking namaril ay nagbaril din sa sarili matapos ang insidente.

Ayon sa Clark county sheriff office ligtas naman na at wala nang panganib sa Sarah J. Anderson Elementary School.

Nangyari ang insidente hapon sa Washigton at katatpos lamang ng klase.

Ayon sa Vancouver Public Schools walang estudyante at staff ng paaralan na nadamay.

Itinuturing na insidente ng domestic violence ang nangyari ayon kay Clark County Sheriff Office Sergeant Brent Waddell.

Mayroon umanong personal na alitan ang suspek at ang isa sa mga biktima.

Read more...