Pagbuo ng Department of Filipino Overseas pasado na sa komite sa Kamara
Lusot House committees on Government Reorganization at ng Overseas Workers Affairs ang panukalang paglikha ng isang kagawaran para sa mga overseas Filipino worker na isa sa mga prayoridad ng administrasyong Duterte at maging ng Kongreso.
Tatawagin ang ahensya na Department of Filipino Overseas and Foreign Employment (DFOFE) dahil hindi lamang ito para sa OFWs kundi sa lahat ng Pilipinong nasa ibang bansa.
Ipinaliwanag ni TWG head Albay Rep. Joey Salceda na apat ang magiging kliyente ng DFO kabilang ang OFWs na nasa abroad, OFWs na nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga OFW at lahat ng Pilipinong nasa iba’t ibang bansa.
Binanggit ng kongresista na base sa datos, 54% ng lahat ng Pilipinong nasa abroad ay migrants, habang 37% lamang ang temporary workers o iyong kilala bilang OFWs at 7% naman ang undocumented.
Ayon kay Salceda, ang kasalukuyang Philippine Overseas Employment Administration ang
magiging central body ng departamento bilang ito ang meron nang expertise at mga tao.
Magiging attached agencies naman ang Commission on Filipino Overseas at ang Overseas Workers Welfare Administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.