Residential area sa Malate, nasunog

 

Kuha ni Philip Roncales

Walumpung bahay ang nasunog sa Jacobo Street sa Malate, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa residential area sa nasabing lugar ganap na alas-8:52 ng gabi, ngunit ilang minuto lang ay itinaas na agad ito sa 5th o general alarm pagdating ng alas-9:09 ng gabi.

Agad na rumesponde ang mga bumbero hindi lang mula sa Maynila kundi sa buong Metro Manila at mga karatig probinsya.

Pagsapit ng 10:26 ng gabi, idineklara nang under control ang sunog. Dakong alas dos na ng madaling araw ito naideklarang fire out.

Tinatayang nasa kalahating milyon ang halaga ng mga napinsala dahil sa sunog.

Read more...