Pagdami ng krimen na may kaugnayan sa POGO ikinaalarma ni Rep. Yap

By Erwin Aguilon November 27, 2019 - 10:44 AM

Iginiit ni House Committee on Games and Amusement Chairman Eric Yap na dapat higpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbibigay ng working permits sa mga dayuhang nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations POGO.

Ayon kay Yap, dumami kasi ang mga krimen na may kaugnayan sa POGO.

Ngayong buwan pa lamang anya ay mayroon nang walong Chinese POGO workers ang naaresto dahil sa tangkang pag-kidnap sa NAIA.

Tinukoy rin nito ang insidente ng pagdukot sa magkasintahang Chinese na pinakawalan rin makaraang magbayad ng ransom ang kanilang mga pamilya.

dapat din anyanh magsilbing wake up call ito sa mga otoridad lalo’t walang nakakasuhan at nakukulong sa mga krimeng ito.

Binigyang-diin ng kongresista na malaking insulto sa pulisya ang walang takot at lantarang paggawa ng krimen ng mga Chinese dahil alam nilang wala namang pupuntahan ang kaso.

TAGS: Chinese Nationals, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, POGO, pogo workers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, Chinese Nationals, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, POGO, pogo workers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.