Imbestigasyon ng Office of the President sa mga aberya sa SEA Games hindi makaaapekto sa palaro – Malakanyang

INQUIRER photo

Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi makaaapekto sa Southeast Asian Games ang ginagawang imbestigasyon ng Office of the President sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, discrete investigation o tahimik lamang ang OP sa pagbusisi kung may anomalya o iregularidad na ginawa ang phisgoc.

Sinabi pa ni Panelo na hindi naman ibubunyag sa publiko ang imbestigasyon.

Tiniyak ni Panelo na mananagot ang sinuman kapag napatunayan na may nangyaring koruapsyon kung kaya kaliwa’t kanang kapalpakan ang naranasan sa pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games.

Read more...