Nigerian nasagip ng coast guard matapos tumalon sa Pasig River sa Mandaluyong City

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Nigerian National na tumalon umano sa Pasig River.

Nakita ang dayuhan sa ilog na sakop ng Brgy. Hulo sa Mandaluyong City.

Nakaposas ang dayuhan kaya inaalam ngayon ng Mandaluyong City Police ang dahilan ng pagtalon nito sa ilog.

Sa paunang pagtatanong ng mga tauhan ng coast guard sa nasabing dayuhan, sinabi nitong galing siya sa Makati police station.

Read more...