Australian na pasahero nakuhanan ng baril at mga bala sa Mactan Airport sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2019 - 09:24 AM

Nakuhanan ng baril at mga bala ang isang pasahero sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), nakita ng X-ray operator na si Sheena Mae Doydoy at baggage inspector Michael Paul Mendoza ang baril sa bagahe ng pasahero nang dumaan ito sa initial security screening checkpoint.

May lamang 10 bala ang baril na natagpuan sa loob ng kulay green na trolley bag.

Ang bagahe ay pag-aari ng pasaherong si Stanley Wayne, na isang Australian national at pasahero ng Philippine Airlines flight PR 2880 na patungo ng Maynila.

Walang naipakitang dokumento si Wayne para sa nasabing armas.

Naiturnover na ang baril sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit.

Si Wayne ay isinailalim muna sa kostodiya ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

TAGS: ammunition, gun, initial security screening checkpoint, Mactan Cebu International Airport, Office for Transportation Security, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, ammunition, gun, initial security screening checkpoint, Mactan Cebu International Airport, Office for Transportation Security, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.