PACC commissioner Greco Belgica itinuturing na demolition job ang isinampang kaso laban sa kaniya

By Ricky Brozas November 27, 2019 - 08:48 AM

Naglabas ng opisyal na pahayag si Presidential Anti-Corruption Commission o PACC commissioner Greco Belgica hinggil sa isyu ng pagsasampa sa kaniya ng kaso dahil sa pagbibitbit ng baril sa ginagawa nitong operasyon.

Nabatid na sinampahan si Belgica ng kaso ng isang Monalie Dison na miyembro daw umano ng grupong Kilusang Pagbabago.

Paliwanag ni Greco, ang grupo ni Dizon ay hindi parte ng totoong Kilusang Pagbabago na sumuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan konektado daw sila sa mga teroristang grupo.

Ayon pa sa opisyal, unang humingi ng pabor si Dizon sa kaniyang opisina kung saan tinugunan naman niya ito ng naayon sa batas.

Matapos daw nito, muling humiling si Dizon kay Belgica pero hindi na niya ito pinagbigyan dahil nais ni Dizon na maglabas siya ng desisyon sa ginagawa nilang imbestigasyon na pabor sa kaniyang grupo.

Iginiit pa ni Belgica na matapos ang insidente ay natunugan niya na nagpla-plano si Dizon at grupo nito ng demolition job laban sa kaniya kung saan mayroon siyang hawak na audio recording bilang ebidensiya.

Diskarte daw ng grupo ni Dizon na sirain ang reputasyon ng isang high ranking government officials kapag hindi daw ito sumnod sa kanilang kagustuhan pero hindi daw ito palagpasin ni Belgica lalo na’t hangad ng kanilang komisyon na tapusin at sugpuin ang korupsyon sa pamahalaan.

TAGS: Case, Greco Belgica, pacc, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, Case, Greco Belgica, pacc, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.