Pagdinig sa expropriation case sa assets ng Panay Electric Company sa Iloilo sinuspinde ng hukuman

By Ricky Brozas November 27, 2019 - 08:38 AM

Sinuspinde ng Iloilo Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig sa expropriation ng distribution ng assets ng Panay Electric Company.

Sa tatlong pahinang kautusan ni Iloilo RTC Branch 35 Judge Daniel Antonio Gerardo Amular, ay ipinag-utos nito ang pagsuspinde sa pagdinig hangga’t hindi pa naglalabas ng resolusyon ang Korte Suprema hinggil sa kaparehong kaso.

Ayon sa hukom, ang kaso ay itinuturing na extraordinary dahil hindi lang procedural rules ang tinatalakay rito kundi maging ang Republic Act 11212 na nagbigay ng 25 taong prangkisa sa MORE Power Electric Corp. para mag-distribute ng kuryente sa Iloilo City.

Una ng idineklara ng Mandaluyong RTC noong Hulyo ang ilang bahagi ng RA 11212 bilang void at unconstitutional dahil sa paglabag sa right to due process at equal protection of the law ng PECO.

Kinwestyon naman ito ng MORE at naghain ng petisyon sa korte suprema.

Nais ng more na ma-expropriate ang distribution asset ng PECO na nagkakahalaga ng mahigit P481 million.

Ang prangkisa ng PECO ay napaso noong Enero 18 pero binigyan ito ng Energy Regulatory Commission ng provisional certificate of public convenience and necessity para patuloy na makapamahagi ng kuryente sa Iloilo city.

Layon nitong hindi naman maputol ang power supply distribution sa gitna na rin ng nagpapatuloy na legal battle sa pagitan ng dalawang kumpanya.

TAGS: Iloilo, Panay Electric Company, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, power supply, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, Iloilo, Panay Electric Company, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, power supply, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.