Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Senado at Kamara kung nais nitong imbestigahan ang mga kapalpakan ng organizing committee sa South East Asian Games.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tungkulin na ng kongreso na busisiin kung may korapsyon, anomalya o iregularidad ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC na naatasang mag organisa sa SEA Games.
Kabilang sa pinupunang kapalpakan umano ng PHISGOC ang hindi maayos na pagkain, hotel accomodation, transportasyon at mga hindi pa natatapos na venue na pagdarausan ng mga palaro.
Ayon kay Panelo, batid na ng pangulo ang mga kapalpakan ng PHISGOC kung kaya may ginagawa nang sariling imbestigasyon ang Office of the Presidente.
Sapol din aniya sa imbestigasyon si HIouse Speaker Alan Peter Cayetano bilang siya ang tumatayong pinuno ng PHISGOC.