House Judiciary ng US pinadadalo si Pres. Donald Trump sa unang impeachment hearing
Inimbitahan ng US House of Representatives Judiciary Committee si US President Donald Trump sa unang impeachment hearing na gaganapin sa Dec. 4, 2019.
Nakasaad sa imbitasyon na ang simula ng impeachment hearing ay alas 10:00 ng umaga.
Ayon kay Representative Jerrold Nadler, chairman ng komite, sumulat siya kay Trump para paalalahanan ito hinggil sa committee rules. Nakasaad sa rules na maaring dumalo sa hearing ang presidente at ang kaniyang counsel ay mabibigyang pagkakataon na tanungin ang mga testigo.
Sinabi ni Nadler na may opsyon si Trump kung saan pwede niyang gawing oportunidad ang impeachment hearings para ipaliwanag ang sarili, o pwede ring ihinto na lamang niya ang paghahayag ng reklamo at kritisismo tungkol sa proseso.
Umaasa si Nadler na makikiisa si Trump sa impeachment inquiry.
Ang inquiry ay sesentro sa ginawang pagtawag pakikipag-usap ni Trump sa telpeono noong July 25 kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy para imbiestigahan ang political rival niyang si Joe Biden at anak nitong si Hunter Biden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.