Bagyong ‘Kammuri” lalakas pa habang papalapit ng bansa, aabot sa typhoon category

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2019 - 07:12 AM

Lalakas pa at aabot sa typhoon category ang bagyong mayroong international name na “Kammuri”.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA weather speacialist Raymond Ordinario, ngayong weekend inaasahang papasok sa bansa ang bagyo at papangalanan itong Tirso.

At dahil nasa karagatan pa, inaasahang mag-iipon pa ng lakas ang bagyo at magiging isang typhoon.

Sa Martes o sa Miyerkules ay inaasahang tatama ang bagyo sa bahagi ng Bicol Region o sa Quezon Province.

Sinabi ni Ordinario na maari ding maapektuhan ng bagyo ang Central Luzon at Southern Luzon at kabilang sa maaring maapektuhan ang Metro Manila.

Ngayon pa lamang pinapayuhan na ng PAGASA ang publiko na maging handa sa posibleng maging epekto ng bagyo.

Pinayuhan din ang publiko na palaging mag-antabay sa mga ipinalalabas na update ng PAGASA hinggil sa nasabing bagyo.

Maari kasing manatili sa kasalukuyang direksyon at kilos ang bagyo o ‘di kaya ay maari ding magbago ito ng direksyon habang papalapit sa bansa.

TAGS: Bicol Region, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, quezon province, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, Tropical Storm "Kammuri", weather, Bicol Region, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, quezon province, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news, tagalog news website, Tropical Storm "Kammuri", weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.