P7 na pasahe sa jeep tuloy na sa Biyernes

Inquirer file photo

Tuloy na Biyernes ang pagbabalik sa P7.00 ng pasahe sa unang apat na kilometro sa mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila dahil sa pagbaba ng presyo ng diesel.

Ito’y matapos na pormal nang ihain ng mga transport groups sa LTFRB ang petisyon na boluntaryong pagro-rollback sa pamasahe sa mga jeep.

Sa petisyon na pirmado ng mga grupong Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP at Liga ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas Inc. o LTOP, iiral ang voluntary rollback sa mga jeep na bumibyahe sa Metro Manila, Region, 3 at Region 4.

Kasabay ng petisyon ng mga transport groups, hiling rin ng mga ito sa Department of Trade and Industry na ibaba ang presyo ng mga spare parts ng mga sasakyan upang makatulong sa mga pumapasadng driver at operator.

Sa panig naman ng LTFRB, nangako itong agad na tutugunan ang  petisyon at gagawing epektibo simula Byernes.

 

Read more...