SEA Games athletes hindi ligtas sa vape ban

By Rhommel Balasbas November 27, 2019 - 04:50 AM

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga atleta ng 30th Southeast Asian Games na walang ‘exemption’ sa ipinatutupad na vape ban.

Sa press briefing araw ng Martes, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na huhulihin din nila ang mga atletang mamamataang gumagamit ng vape.

Babala ni Banac, dadalhin sa presinto ang mga manlalaro para mai-blotter at maaaring makaabala ito sa kanilang partisipasyon sa SEA Games.

“Ang lahat na mahuhuli ng pulis na manlalaro ay dadalhin din sa presinto so sila po ay maaabala at maaaring maantala ang kanilang participation sa SEA Games,” ani Banac.

Mas mabuti anya kung alam ng mga delegado ang mga umiiral na batas sa Pilipinas.

Buhat nang magsimula ang crackdown, umabot na sa 243 ang nahuli sa paggamit ng vape at 318 vape gadgets ang nakumpiska.

TAGS: 2019 Southeast Asian Games, crackdown, no exemption, Philippine National Police, vape ban, 2019 Southeast Asian Games, crackdown, no exemption, Philippine National Police, vape ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.