Higit P2.7B halaga ng shabu nasabat sa isang Chinese national sa Makati

By Rhommel Balasbas November 27, 2019 - 04:11 AM

(UPDATE) Timbog ang isang Chinese national matapos makuhaan ng aabot sa P2.7 bilyong halaga ng shabu sa isang apartment unit sa Brgy. San Antonio, Makati City.

Nasa 400 kilo ang bigat ng shabu na nakuha sa suspek na nakilalang si Liu Chao.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa, isang budegero ang suspek o yaong binabagsakan ng iligal na droga.

Nagkasa ng buy-bust operation ang PNP Drug Enforcement Unit sa apartment unit ng Chinese na nagsisilbi umanong warehouse ng droga.

Itinago ang mga shabu sa lalagyan ng dog food habang ang iba ay nakalagay sa loob ng cabinet at maleta.

Ito na ang isa sa pinakamalaking drug supply na nakumpiska ngayong 2019 ayon kay Gamboa.

Iniimbestigahan ngayon kung paano nakapasok sa bansa ang ganito karaming droga at kung sino ang mga parokyano ng Chinese national.

TAGS: budegero, Chinese national arrested, drug war, P2.7B worth of shabu seized in Makati, budegero, Chinese national arrested, drug war, P2.7B worth of shabu seized in Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.