Malinamnam na mga pagkain ang handog ng mga chef sa Athletes’ Village sa New Clark City para sa mga delegado ng 30th Southeast Asian Games.
Sa social media posts ng mga chef na sina Josephine Concepcion Mendoza at Sau del Rosario ng Culinarya Pampanga, makikita ang Asian at Western cuisine at lahat ito ay halal-certified.
Highlight din sa buffet ang Kampampangan dishes.
Pwedeng makakain ang mga atleta 24/7 at maraming pagpipilian mula appetizers, desserts, soups hanggang main courses.
Ayon kay del Rosario, nasa 30 professional chefs na silang nagtutulong-tulong para sa buffet.
Mayroon ding food safety team na nakastandby para tiyaking inihahain ang mga pagkain alinsunod sa standards.
Ang main dining hall ng Athletes’ Village ay kayang mag-accommodate ng 1,000 katao.