Lalaki patay sa pamamaril sa Cebu City

By Rhommel Balasbas November 27, 2019 - 02:36 AM

CDN photo

Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ilang metro lang ang layo mula sa kanyang bahay sa Brgy. Hipodromo, Cebu City, pasado alas-6:00 ng gabi ng Martes.

Ayon kay Police Staff Sergent Roy Bacus ng Mabolo Police Station, kinilala ang biktima na si Erwin Vestil.

Walong metro ang layo ni Vestil sa kanyang bahay nang pagbabarilin.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang braso, dibdib at likod na agaran niyang ikinamatay.

Ayon kay Bacus, iniimbestigahan kung drug-related ang krimen dahil ayon mismo sa tatay ng biktima ay gumagamit ng droga ang kanyang anak.

Sinusubukan na ng pulisya na kumuha ng kopya ng CCTV malapit sa lugar para makatulong sa imbestigasyon ng kaso.

TAGS: allegedly drug-related, Cebu City, Shooting Incident, allegedly drug-related, Cebu City, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.