POC chief sa publiko: “We just focus on our athletes, ‘wag muna maghilahan”
Nanawagan si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa publiko na ituon muna ang atensyon sa pagsuporta sa mga atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games.
Ito ay sa gitna ng pag-ulan ng reklamo sa organizers ilang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng palaro.
Sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Amelie Hotel sa Maynila, araw ng Martes, sinabi ni Tolentino na hindi maiiwasan ang mga aberya at meron namang solusyon para sa mga ito.
Giit pa ng POC chief, maging siya ay nakaranas ng aberya sa mga kompetisyon sa ibang bansa.
“Ganun talaga. Kahit ako na-experience sa ibang bansa. Marami ‘yan, so I hope maintindihan ng iba,” ani Tolentino.
Dapat din anyang maintindihan ng publiko na kulang ang panahon ng bansa para sa paghandaan ang SEA Games.
“I hope maintindihan ng iba, lalong-lalo na kulang ng year ang preparation natin. Remember dapat sa Brunei ‘to,” giit ni Tolentino.
Dapat umanong ituon na lamang ang atensyon sa pagsuporta sa mga atleta at huwag na munang maghilahan.
“We just focus on out athletes, Doon po tayo bumawi. Let’s move on. We win as one, we stand as one in hosting the 30th SEA Games. Para sa bansa natin ‘to. ‘Wag na muna tayo maghilahan. Para sa bayan muna. Tanggapin natin, lahat tayo nagkakamali, pero ngayon, magsama-sama tayo,” ani Tolentino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.