M3.7 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-10:56 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 69 kilometro Timog-Silangan ng Don Marcelino.

May lalim ang pagyanig na 121 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...