Tropical Storm Kammuri, papasok ng bansa sa weekend

November 26, 2019 - 11:35 PM

Lumakas pa nang bahagya ang Tropical Storm Kammuri na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa inilabas na Tropical Cyclone Advisory no. 1 ng PAGASA para sa bagyo, huli itong namataan sa layong 2,165 kilometro Silangan ng Visayas.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km bawat oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 40 km kada oras.

Ayon sa weather bureau, inaasahang papasok ng PAR ang Tropical Storm Kammuri sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga.

Pangangalanan itong ’Tisoy’ pagpasok ng bansa.

Ang pangalang ‘Kammuri’ ay ibinahagi ng Japan at nangangahulugan itong Corona Borealis constellation.

TAGS: #TisoyPH, Corona Borealis constellation, Philippine Area of Responsibility (PAR), Tropical Cyclone Advisory no. 1, Tropical Storm "Kammuri", weather update, #TisoyPH, Corona Borealis constellation, Philippine Area of Responsibility (PAR), Tropical Cyclone Advisory no. 1, Tropical Storm "Kammuri", weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.