WATCH: 110 milyong Filipino, target ng PSA na magkaroon ng Philippine ID
By Jong Manlapaz November 26, 2019 - 10:31 PM
Nais ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mabigyan ng Philippine Identification System ID ang nasa 110 milyong Filipino sa taong 2022.
Sa ilalim nito, iisang ID na lamang ang dapat ipakita tuwing may transaksiyon sa gobyerno.
Unang umarangkada ang pilot test registration sa mga empleyado at miyembro ng House of Representatives noong November 25 kung saan nasa mahigit 400 na ang rehistrado.
Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.