Driver ng pagewang-gewang na jeepney nagpakita na sa LTFRB

Kembot
Inquirer file photo

Nagtungo na kanina sa main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang driver ng “patok” jeepney na nasa viral video sa social media dahil sa pagewang-gewang na pagbiyahe sa Marcos Highway.

Itinanggi ni Mark Bumanlag na siya ang nagmamaneho ng jeepney nang makunan ito ng video at itinuro niya ang konduktor niyang si Reynaldo Capulong.

Inamin ni Bumanlag na walang lisensiya para magmaneho si Capulong sabay giit na wala silang pasahero nang mga sandaling nakunan sila ng video.

Dinala na rin ni Bumanlag kasama ang anak ng kanyang operator ang minamanehong jeepney sa LTFRB na nauna nang nagpalabas ng 30-day preventive suspension sa prangkisa ng sasakyan.

Ipinag utos ng LTFRB na humarap sa kanila si Capulong sa January 26 para magpaliwanag.

 

Read more...