Apl.de.ap pangungunahan ang opening ceremony ng SEA Games

By Angellic Jordan November 26, 2019 - 08:52 PM SHARE(S):

Pangungunahan ng international artist na si Apl.de.ap ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa araw ng Sabado, November 30.

Isa ang Black Eyed Peas member sa mga nakatakdang mag-perform sa idaraos na programa sa Philippine Arena.

Sa kaniyang Instagram account, nagsimula na si Apl ng countdown para sa pormal na pagbubukas ng SEA Games.

Makikita sa larawang paghawak ni Apl ng torch sa sa harap ng SEA Games logo.

Kinuha ang larawan sa ginanap na final leg ng 30th SEA Games Torch Run sa Angeles, Pampanga noong November 24.

Maaaring kumuha ng ticket sa SM Tickets outlet o sa smtickets.com/events/seagames.

TAGS: 30th SEA Games, apl.de.ap, SEA Games 2019, SEA Games opening ceremony, 30th SEA Games, apl.de.ap, SEA Games 2019, SEA Games opening ceremony

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.