Isang bagyo, binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Isang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa weather report bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na ang bagyo ay may international name na Tropical Storm “Kammuri.”

Huli itong namataan sa layong 2,335 kilometers Silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers per hour sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Ani Aurelio, oras na pumasok ang bagyo sa loob ng bansa, tatawagin na itong Bagyong “Tisoy.”

Samantala, northeast monsoon o amihan ang patuloy na nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, Inter tropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang umiiral sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Read more...