LOOK: Ospital ng Sampaloc nagpadala ng tulong sa Makilala, Cotabato
By Angellic Jordan November 26, 2019 - 07:10 PM
Nagpadala ng tulong ang Ospital ng Sampaloc sa Makilala, Cotabato.
Ito ay para sa mga pamilyang naapektuhan ng tumamang malakas na lindol sa lugar.
Pinangunahan ang proyekto ni Dra. Marie Luna at Ospital ng Sampaloc Hospital Director Dra. Aileen Lacsamana.
Kabilang sa mga ipapadalang tulong ay trapal, tent, tubig, bigas, at iba pang pagkain.
Naging katuwang ng ospital ang mga tauhan ng Monterey Park Hospital at ilang residente mula sa California at Palau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.