Panukalang paglalagay ng CCTV sa mga PUVs lusot na sa committee level sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali January 20, 2016 - 08:21 PM

EDSA TRAFFIC/ OCTOBER 28, 2014 Slow moving traffic at Edsa  INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang panukala na nag-aatas ng paglalagay ng close circuit television o CCTV sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan.

Nakasaad sa substitute bill, kung hindi CCTV, dapat ay magkabit ng global positioning system o GPS sa mga public utility vehicles o PUVs.

Sa ilalim pa ng panukala, hindi bibigyan ng CPC o certificate of public convenience o prangkisa ang isang operator kung ang unit ay wang CCTC o walang GPS.

Kapag tuluyang naging batas, bibigyan ng hanggang anim na buwan ang mga operator para mag install ng CCTV o GPS sa kanilang units ng PUVs.

Ang CCTV o GPD na ilalagay sa PUVs ay dapat na may storage para sa pitong araw ng recording.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang inaatasan na magkaroon ng archieve ng footage na kuha ng CCTV ng partikular ng PUV na nasangkot sa isang aksidente o insidente.

Hangad ng panukalang batas na maging deterent sa krimen sa PUVs ang CCTV o GPS tracking device, gaya ng mga holdap.

TAGS: cctv, Congress, GPS, ltfrb, PUV, cctv, Congress, GPS, ltfrb, PUV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.