VP Robredo, hindi pa tapos sa mga kapalpakan

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na para rin sa sarili ni Vice President Leni Robredo ang bantang hindi pa siya tapos sa kaniyang laban.

Tugon ito ng Palasyo matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang ibig-sabihin ni Robredo na hindi pa siya tapos ay hindi pa siya tapos sa kaniyang mga ginagawang kapalpakan.

Sinabi pa ni Panelo na sunud-sunod kasi ang sablay ni Robredo.

Katunayan, sinabi ni Panelo na nagsisimula pa lamang si Robredo na gumawang muli ng mga kamalian at tiyak na masusundan pa ito ng maraming iba pa.

“Unang una, ‘yung sinasabi niya hindi pa siya tapos, naniniwala ako hindi pa nga siya tapos sa kapalpakan. Kasi sunud-sunod na palpak ang ginagawa niya eh. Nagsimula pa lang siyang gumawa ng mali at marami pang mali ang gagawin nyan, bilang isang opisyal,” pahayag ni Panelo.

Read more...