Flexible working hours, inihihirit ni Sen. Revilla
Nais ni Senator Ramon Revilla Jr. na maamyendahan ang Labor Code para magkaroon ng ‘flexible working hours’ ang mga empleyado.
Naniniwala si Revilla na malaking tulong ang kaniyang gusto hindi lamang sa mga kawani kundi maging sa mga negosyante.
Aniya, sa ganitong paraan ay makakatipid ang mga kawani at negosyante lalo na ang lahat ay apektado ng trapik.
Sa kaniyang Senate Bill No. 673, nais ni Revilla na maamyendahan ang Article 83 ng Labor Code para magkaroon ng flexible work arrangements, kasama na ang compressed work week at flexi holidays.
Aniya, dahil sa teknolohiya, may mga trabaho na maaring gawin sa labas ng opisina na hindi nasasakripisyo ang kalidad ng trabaho.
Dagdag pa ng senador, kinikilala naman na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang flexible work arrangements sa pamamagitan ng Department Order No. 2.
Naniniwala ito na sa kaniyang panukala ay magkakaroon ng balanse sa kanilang pamumuhay ang mga empleyado lalo sa oras sa kanilang pamilya at trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.