Isinisi ni sa Senado ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga aberyang nararanasan sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Tama lamang, ayon kay Cayetano, ang naunang pahayag ni 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero na isa sa mga dapat sisihin sa mga problema sa SEA Games ay si Senator Franklin Drilon.
Si Drilon aniya na nangungunang kritiko ng SEA Games ang naglipat ng budget ng SEA Games sa Philippine Sports Commission (PSC) at nagpanukala sa pagtapyas ng budget sa 33%.
Pero, ibinato naman ni Drilon sa Kamara ang sisi dahil late ang Mababang Kapulungan sa pag-apruba sa budget bunsod ng mga isiningit dito na pondo.
Matatandaang umani ng batikos sa mga kalahok na bansa ng 30th SEA Games ang Pilipinas dahil hindi pa tapos ang ilang mga imprastraktura na pagdarausan ng mga palaro tulad sa Rizal Memorial stadium at PhilSports Arena sa Pasig.
Dagdag pa dito ang kawalan ng koordinasyon sa transportasyon at accommodation, at kakulangan sa pagkain.