Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakarating na sa pangulo ang mga kapalpakan ng PHISGOC at hindi ito natutuwa ang punong ehekutibo.
“Sa madaling sabi, ‘yang mga palpak na ‘yan hindi na dapat nangyari, kayang kayang gawan ng paaan kaya nagagalit si Presidente,” pahayag ni Panelo.
Utos aniya ng pangulo sa PHISGOC, kumilos at huwag matulog sa pansitan.
“Oo nga eh. Kaya kailangan huwag sila natutulog sa pansitan,” pahayag ni Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na madali lang sanang magawan ng paraan ang problemang kinaharap ng mga atleta subalit nabigo ang PHISGOC na agad na solusyunan ito.
Halimbawa na lamang ang aberyang dinanas ng mga atleta mula sa Cambodia, Thailand na ilang oras na naghintay sa airport dahil sa walang susundong sasakyan, hindi agad na maka-check in sa hotel at sa kaso ng mga atleta ng mga taga -Timor Leste na nadala sa maling hotel.
Ayon kay Panelo, dapat may fallback na mga plano ang PHISGOC.
Sinabi pa ni Panelo na dapat na maging alerto ang PHISGOC lalot nakatuon sa kanila ang pansin ng buong sambayanan.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu: