Aquino, hinikayat si Robredo na ilahad ang mga nalaman sa drug war
Hinikayat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino si Vice President Leni Robredo na isiwalat ang mga nalaman sa war on drugs campaign.
Ito ay matapos ihayag ni Robredo na maglalabas siya ng ulat sa bayan sa mga susunod na araw ukol sa mga umano’y nadiskubre sa kampanya kontra ilegal na droga.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Aquino na dapat lang ilabas ni Robredo ang mga nalaman nito.
Naniniwala ang PDEA chief na kung anuman ang mga ilalabas na rebelasyon ni Robredo ay makakatulong sa pagpapabuti ng anti-drug war.
Matatandaang bago tumulak patungong South Korea, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.