Isang drug den, sinalakay ng PDEA sa Cebu City, 5 timbog

By Angellic Jordan November 26, 2019 - 01:45 PM

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Cebu City, Linggo ng gabi.

Ayon sa PDEA Regional Office-Central Visayas, limang drug suspects ang naaresto sa buy-bust operation sa Sitio Mahayahay sa Barangay Calamba bandang 6:00 ng gabi.

Nahuli ang target sa operasyon na si Daisy Ordez alyas “Ondong,” 38-anyos; kabilang ang ilang kasamahan na sina Nimae Paller, 19-anyos; Nicolas Ubas, 18-anyos; Rosebert Galanto, 43-anyos; at Paxson Sara, 27-anyos.

Nakumpiska sa lima ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Nakuha rin sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12 at 15 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Cebu City, drug den, PDEA, PDEA Regional Office - Central Visayas, buy bust operation, Cebu City, drug den, PDEA, PDEA Regional Office - Central Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.