Pagpapalit ng riles sa MRT-3 mula Buendia hanggang Magallanes, natapos na

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2019 - 12:46 PM

Nakumpleto na ang pagpapalit ng riles sa MRT-3 mula sa Buendia hanggang Magallanes (Southbound).

Inaasahan ang mas maayos nang biyahe ng tren sa nasabing mga istasyon dahil makinis at bago na ang mga riles nito.

Sinimulan naman na ang pagpapalit ng riles mula sa istasyon ng Magallanes hanggang sa Taft Avenue.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, target na matapos ang pagpapalit ng riles sa buong MRT-3 sa February 2021.

Nagsimula ang rail replacement activities gabi ng Nobyembre 4 2019,.

Ginagawa ito tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Oras na mapalitan ng bago ang mga lumang riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng problema o aberya sa operasyon.

Bukod dito, magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren, dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time, at madagdagan ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan ng MRT-3.

TAGS: dotr, MRT 3, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, rail replacement, railway system, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, dotr, MRT 3, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, rail replacement, railway system, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.