Sen. Risa Hontiveros hiniling na maimbestigahan ang power transmission sector
Inihirit ni Senator Risa Hontiveros na maimbestigahan sa Senado ang power transmission sector sa bansa.
Kaugnay ito aniya ng pagbubunyag na may access at maaring kontrolin ng foreign country ang power grid system ng Pilipinas.
Sa inihain niyang Senate Resolution 223 nais ni Hontiveros na magkaroon ng national security audit sa operasyon at pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ang NGCP ay 40 porsiyentong pag aari ng State Grid Corporation of China.
Sinabi ng senadora sa pagdinig ay susuriin ang naging operasyon ng NGCP at imbestigahan ang mga ulat na maaring i-shutdown ng China ang power system transmission ng Pilipinas.
Pagdidiin ni Hontiveros na kailangan mapatunayan na may proteksyon ang suplay ng kuryente sa bansa laban sa pananabotahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.