Albania niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Niyanig ng malakas na lindol ang Albania, Martes (Nov. 26) ng umaga.

Ayon sa US Geological Survey, magnitude 6.4 ang naitalang pagyanig sa 12 kilometers northeast ng Durres o 30 kilometers northwest ng Tirana.

Naramdaman din ang pagyanig sa Montenegro, Kosovo, North Macedonia, at Greece.

Noong Setyembre tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa central Albania na ikinasawi ng aabot sa 20 katao.

Read more...