Ciudad de Victoria ramp sa NLEX bubuksan na sa mga motorista

Bubuksan na ngayong araw (Nov. 26) ang Ciudad de Victoria ramp sa North luzon Expressway (NLEX).

Ang naturang kalsada ang nagdudugtong sa Manila North Road at Sta. Maria-Bocaue bypass road.

Mayroon itong apat na linya.

Sa pagbubukas ng kalsada, inaasahang mapapababa na lamang sa 15 minuto mula sa dating 50 minuto ang travel time sa lugar.

Maari na kasing maiwasan ang ma-traffic na bahago ng Governor F. Halili Road sa Bocaue, Bulacan.

Ginastusan ng P260.818 Million ang naturang kalsada.

Ayon kay DPWH Regional Director Roseller A. Tolentino, nakumpleto ang kalsada na eksakto para sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Philippine Arena sa November 30.

Read more...