Mataas na opisyal ng NPA naaresto sa San Juan

By Jong Manlapaz November 26, 2019 - 10:19 AM

Hawak na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army o NPA.

Nahuli ang rebelde habang nagpapagamot sa Cardinal Santos Memorial Medical Center sa San Juan City Lunes, Nov, 25.

Mismong ang mga tauhan ng CIDG-NCR at NCRPO ang humuli sa tagapagsalita ng NPA sa Timog Katagalugan na si Jaime Padilla.

Sinasabi na si Padilla ay isa sa mga pinakamalapit umano kay CPP Founding Chairman Jose Ma. Sison at miyembro ng National Information Bureau ng CPP Central Committee.

Ayon sa CIDG at NCRPO, may standing warrant of arrest laban kay Padilla dahil sa kasong multiple murder.

Kabilang din si Padilla sa terror list ng Department of Justice (DOJ).

TAGS: Cardinal Santos Memorial Medical Center, DOJterror list, NPA, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, San Juan City, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cardinal Santos Memorial Medical Center, DOJterror list, NPA, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, San Juan City, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.