Sunud-sunod na pagkawala ng mga kabataan iniulat sa Pasay City

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2019 - 09:11 AM

Pinaiimbestigahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang sunud-sunod na ulat ng pagkawala ng mga kabataan sa lungsod nitong nakalipas na linggo.

Inatasan ng alkalde si Pasay City Police chief Col. Bernard Young na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at resolbahin ang mga ulat ng pagkawala ng ilang indbidwal.

Base sa datos ng Inquirer, siyam na katao ang nawawala sa Pasay City na kinabibilangan ng walong lalaki at isang babae na nasa pagitan ng edad 15 hanggang 23.

Lahat sila ay iniulat na nawawala ng kanilang mga kaanak mula nov. 20 hanggang 22.

Pawang residente ng Pasay City ang siyam at tatlo sa kanila ay mula sa Barangay 41.

Noong Nov. 22 nakuhanan pa sa CCTV camera ang pagdukot sa isa sa mga nawawala na si Sebastian Montoya, 22 anyos.

Nakita itong pwersahang isinakay sa isang van na batay sa rekord ng LTO ay peke ang gamit na plaka.

Kung mayroong impormasyon sa mga nawawalang indibidwal, maaring tumawag sa Pasay Police sa numero bilang 88311544 o 0918-3696565.

TAGS: missing persons, Pasay City, Pasay City Police, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, missing persons, Pasay City, Pasay City Police, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.