2 Milyong mga botante inalis na sa opisyal na listahan ng Comelec

By Den Macaranas January 20, 2016 - 04:13 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Mula sa kabuuang bilang na 56.95 Million na mga registered voters, tanging 54.36 Million lamang ang makaboboto sa susunod na eleksyon dahil sa ipinapatupad na “No Bio, No Boto” policy ng Commission on Elections (Comelec).

Sa ulat na inilabas ng Election and Barangay Affairs Department ng Comelec, umaabot sa kabuuang 2,284,758 na mga botante ang inalis sa voters’ list dahil sa hindi sila nakuhanan ng biometrics.

Karamihan sa mga nawala sa listahan ay mula sa Metro Manila, Davao del Sur at Cavite samantalang wala namang nabawas na bilang ng mga botante sa mga lalawigan ng Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Sa nakalipas na mga eleksyon ay naitala sa maraming mga lalawigan sa Mindanao ang sinasabing dayaan na kinasasangkutan ng ilang mga lokal na opisyal.

TAGS: comelec, No Bio, Voter's list, comelec, No Bio, Voter's list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.