Pension house nasunog sa Bacolod City

Labinglimang katao ang nailigtas ng mga bumbero makaraang masunog ang isang pension house sa Bacolod City.

Naganap ang sunog madaling araw ng Martes, Nov. 26 na iniakyat sa ikatlong alarma.

Natupok ang Java Pension House sa bahagi ng Gonzaga Street.

Pinangangambahan namang mayroon pang tenants na nasa tuktok na bahagi ng gusali.

Patuloy din ang pag-apula sa apoy.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...