Ayon sa United Nations, bagaman nahinto na ang giyera tuloy naman ang paglaban nila sa mga sakit gaya ng dengue, malaria at cholera.
Ayon sa International Committee of the Red Cross, mahigit 3,500 na katao na ang tinamaan ng dengue.
Sa Hodeida City, 50 na ang nasawi mula lamang Oktubre hanggang Nobyembre.
Maliban sa dengue, libu-libo rin ang tinamaan ng sakit na malaria.
Matinding hamon para sa mga otoridad ang kontrolin ang epidemya.
Magugunitang libu-libo ang nasawi sa civil war sa Yemen mula nang sumiklab ito noong 2015.
Karmaihan sa mga namatay ay pawang sibilyan at mula sa mga relief organization.
MOST READ
LATEST STORIES